Saturday , November 23 2019

Race to the Second Spot

Taong 2016 pa noong ginanap ang National and Local Elections sa Pilipinas, ngunit kamakialan lamang nang naglabas ang Supreme Court na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal, o PET, ng paunang silip sa ginaganap na protesta sa posisyon ng pagiging Pangalawang Pangulo ng bansa. Ang nag-protesta: si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. laban kay Vice President Leni Robredo. Sa naging paunang resolution na inilabas noong October 15, 2019, hinihinling ng PET na magpasa ng memorandum ang magkabilang panig ukol sa dalawang bagay: una, ang results sa tatlong pilot provinces na pinili ni Marcos para sa recount; at ikalawa, sa motion ni Marcos na ipawalang-bisa ang results sa Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao.

Sounds fair, right? Subalit para sa mga lawyer na bihasa sa electoral laws of the Philippines, hindi na dapat humantong pa sa paghingi ng memorandum ang protesta dahil sa Rule 65 ng PET.

Ano ba ang Rule 65?

Ayon sa Rule 65 ng Presidential Electoral Tribunal, kung maipakikita nang hindi na makababawi sa unang recount pa lamang ang nag-protesta, maaari nang i-dismiss ang election protest, “without further consideration of the other provinces mentioned in the protest.” Sa naging recount, lalong lumawig ang lamang ni VP Robredo kay Marcos ng 15,093 na karagdagang boto, dahilan kung bakit nananawagan ang lead lawyer ni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal na dapat nang ibasura ang protesta at tapusin na ang mga agam-agam tungkol sa kung sino ba ang tunay na Vice President of the Philippines. Hindi man ganoon ang nangyari, dalawa sa Supreme Court Justices ang nagpahayag ng dissenting opinion sa naging resolution ng majority: sina Justices Antonio Carpio at Benjamin Caguioa. Ayon sa dalawang mahistrado, dapat ngang na-dismiss na ang protesta sa bisa na rin ng Rule 65.

Sa naging development na ito sa resolution ng PET, tila maghihintay pa ang mga mamamayan sa magiging final results. Nakaabang din maging ang mga lawyer na gamay ang Philippine law sapagkat anuman ang kahinatnan nito, it will set precedent sa kung paanong pagpapasyahan ng Supreme Court ang mga posibleng election protests sa hinaharap, not to mention ang magiging impact nito sa kasaysayan at political landscape ng bansa.

About juanserbisyo

Juan Serbisyo is a blog that will give you tips on different business industries, services, and other livelihood news & information to help you optimize you money making opportunities.

Check Also

Mental Health Law at ang Maaaring Epekto Nito sa mga Empleyado

Bilang isang empleyado, naranasan mo na bang pumasok sa trabaho sa kabila ng matinding kalungkutang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *