Sunday , April 21 2019

Passport in a Snap!

Bago nauso ang mga free mileage at budget airfares sa Pilipinas, itinuturing na pang-mayaman lamang ang pagbiyahe sa ibang bansa. Isa ito marahil sa mga dahilan kung bakit hindi naman big deal ang pagkuha ng passport noon. Kung may passport ka noong araw, malamang isa kang OCW o overseas contract worker—oo, iyan ang tawag sa mga naga-abroad noon bago nauso ang katagang OFW o overseas Filipino worker.

May kaakibat na responsibilidad ang pagkuha ng pasaporte sapagkat isa itong mahalagang dokumento ng pagkakakilanlan. Sang-ayon ang mga eksperto sa legal services in the Philippines na mabusisi ang passport application sapagkat kung nakapagbibigay ang passport ng kapangyarihan sa isang tao na bumiyahe sa labas ng bansa para magtrabaho o kahit mamasyal lang, ganoon din ang kakayanan nito para hayaang makapag-biyahe ang sinumang tumatakas mula sa batas. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi basta-basta ibinibigay ang passport. May mga requirements na hinihingi ang Department of Foreign Affairs mula sa sinuman na naghahangad na magkaroon ng passport, gaya ng sumusunod:

  1. Confirmed online appointment
  2. Personal appearance
  3. Accomplished application form
  4. Original copy of Philippine Statistics Authority or PSA authenticated birth certificate on security paper
  5. A valid ID with a photocopy

Bukod sa mga nabanggit, may iba pang dokumento na maaring hingin mula sa aplikante ng passport. May mga pagkakataon na sadyang tila napakahirap makakuha ng pasaporte lalo na at mayroong discrepancy sa iyong mga personal na dokumento, gaya ng birth certificate. Sa ganoong pagkakataon, kailangan mo pang kumuha ng legal services in the Philippines para magpagawa ng affidavit. Oo, mabusisi, sapagkat gaya ng nabanggit, kailangang maging segurista ng pamahalaan sa kung sino ang kanilang binibigyan ng passport.

Kalimitan, nade-decline ang application na lalong nagpapatagal sa mabusisi nang proseso ng passport application. Sa mga ganitong pagkakataon, mainam na maghanap ng maasahang legal services in the Philippines upang makakuha ng napapanahon at naayong payong legal para makamit ang pinakaaasam na pasaporte na magdadala sa’yo patungo sa iyong dream vacation o kahit dream job pa!

About juanserbisyo

Juan Serbisyo is a blog that will give you tips on different business industries, services, and other livelihood news & information to help you optimize you money making opportunities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *