Sunday , August 19 2018

Mental Health Law at ang Maaaring Epekto Nito sa mga Empleyado

Bilang isang empleyado, naranasan mo na bang pumasok sa trabaho sa kabila ng matinding kalungkutang nadarama mo? At sa pag-uwi mo naman matapos ang sapilitang pagtatrabaho, makikita mo ang sarili mong hindi makatulog sa gabi sa pag-iisip at pag-aalala sa mga bagay-bagay, na magpapatuloy ng ilang araw, ilang linggo, hanggang sa hindi mo na alam kung dapat pa bang ipagpatuloy ang siklong ito?

Gustuhin mo mang mag-file ng leave sa trabaho, hindi mo alam ang idadahilan mo. Hindi malinaw kung saklaw ba ng labor law ang paid leaves dahil sa depresyon, tanungin mo man ang Philippine attorney mo. Maaaring natatakot ka ring husgahan ka ng boss at mga katrabaho mo.

Ayon sa datos ng Department of Health, mahigit 32.9 bilyong Pilipino ang dumaranas ng depresyon. Halos kasingrami rin ng bilang na ito ang dumaranas ng anxiety sa bansa. At malamang, kung nakararanas ka ng ‘di maipaliwanag na kalungkutan, kabilang ka sa statistics na ito. Isa ka sa mga natatakot ipaalam sa mga katrabaho mo ang mental health issue na pinagdaraanan mo dahil sa social stigma na dulot nito.

Pero maaaring magbago ang lahat ngayong pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang RA 11036 o ang Mental Health Law. Isang batas na maaaring magbigay ng pag-asa para sa mga katulad mong dumaranas ng depresyon o anxiety.

Ngunit ano nga ba ang sinasabi ng bagong batas tungkol sa mental health? Narito ang ilan sa mga layunin ng Mental Health Law:

  • Pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga taong may mental health needs at mental health professionals
  • Magbigay ng mental health services hanggang sa baranggay level
  • I-integrate ang psychiatric, psychoscoial, at neurological services sa mga regional, provincial, at tertiary hospitals
  • Paunlarin ang mga mental healthcare facilities
  • Palaganapin ang kaalaman tungkol sa mental health sa mga eskuwelahan at workplaces

Sa pagpasa ng nasabing batas, inaasahang mas mabigyang tuon ang mental health sa bansa sa pamamagitan ng pag-integrate ng mental healthcare sa kasalukuyang public healthcare. Ayon pa sa Philippine attorney, inaasahang matulungan ng batas na ito ang mga Pilipinong dumaranas ng mental health issues tulad ng depresyon, na siyang pangunahing dahil ng suicide lalo na sa mga kabataan.

Bilang isang empleyado, paano naman ito makatutulong sa iyo? Isa sa mga probisyon ng nasabing batas ay ang pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa mental health sa bansa. Sa pamamagitan nito, inaasahang magwakas ang social stigma sa mental health sa Pilipinas. Sa pagwakas ng nasabing stigma, mas magiging bukas ang mga tao kabilang ang iyong mga katrabaho tungkol sa mental health issue na pinagdadaanan mo.

Maaari ring magbigay daan ang Mental Health Law sa pagpapalawig ng kasalukuyang employment at labor law sa bansa. Kabilang na rito ang pagpapalawig ng sick leave coverage at kaugnay na concerns kung saan maaaring i-specify ang saklaw ng mental health. Umaaasa ang mga empleyado maging Philippine attorney na makunsidera ang mga bagay na ito kapag na-fully implement na ang Mental Health Law.

About juanserbisyo

Juan Serbisyo is a blog that will give you tips on different business industries, services, and other livelihood news & information to help you optimize you money making opportunities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *