Friday , July 20 2018

Bawal Tambay! Mga Dapat Malaman Tungkol sa Bagong Anti-Tambay Ops

Kung wala ka pang lawyer in Manila, mag-isip-isip ka na dahil pwede ka na ngayong damputin para sa pagtambay. Kamakailan lamang ay iniutos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hulihin ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng tambay sa lansangan. Ito raw ay dati nang ginagawa, bilang ang kanilang refrence ay ang Anti-Vagrancy Law. Sa lumang batas na ito, ang isang vagrant daw ay siyang:

  • Taong walang hanapbuhay kahit mukhang kaya niyang magtrabaho;
  • Taong nakitang nagliliwaliw sa pampubliko or semi-public na lugar na mukhang hindi kayang suportahan ang sarili;
  • Taong lumalagi sa labas ng mga lugar na may masamang reputasyon, maaaring kawatan, bugaw, o nag-a-associate sa mga prostitutes;
  • Kahit sino na, kung hindi man nabilang sa mga nabanggit sa itaas, na pakalat-kalat (o papasyal-pasyal) nang walang dahilan.

May nga ordinansa na aktibo sa mga lugar katulad ng Quezon City at Marikina na ipinagbabawal ang pagtambay ng mga taong walang damit, at mga minor de edad na nasa labas pa rin pagkatapos ng curfew, pero ngayon, bawal na lahat. Kahit lawyer in Manila kang nagpapahangin lang habang naka-shorts at sando sa kalye, maaari ka pa ring damputin kapag nahusgahan kang mukhang kriminal o mukhang may gagawing masama.

Sakaling ikaw ay mahuli, ang pangunahin mong pwedeng gawin ay humingi ng warrant of arrest. Ngunit sa kabila noon, maaari ka pa ring sabihan na ikaw ay hinuhuli para sa krimen ng “vagrancy.” Pagkatapos noon, bukod sa magdahilang papauwi ka pa lamang, naghahanap ka ng signal, o hinihintay mo ang kapatid mong nagpapasundo sa kanto, pwede kang ipiit sa kulungan.

Marami na ang nagrereklamo sa naturang operasyon ngunit mukhang aktibo pa ring ginagawa ang paghuli sa mga tambay. Isang trivia para sa kaalaman ng lahat: mula 2012, decriminalized na ang vagrancy—hindi na siya illegal ayon sa batas kung kaya’t ang operation na ito ay isang paglabag sa karapatan ng nasabing decriminalization.

Sa naturang operasyon, marami na ang nahuli ngunit isa sa pinakasikat ay si Genesis “Tisoy” Argoncillo. Habang tahimik na nakikipag-text sa kaniyang girlfriend sa isang tindahang walang tatlong bahay ang layo mula sa kanila, siya ay hinuli ng Quezon City Police at ikinulong. Apat na araw mula nang ipinasok siya sa kulungan, inabutan siya ng mga mahal niya sa buhay na patay na at puro pasa ang katawan. Kung may lawyer in Manila man siya, wala ring magagawa dahil sa bilis ng mga pangyayari.

About juanserbisyo

Juan Serbisyo is a blog that will give you tips on different business industries, services, and other livelihood news & information to help you optimize you money making opportunities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *